top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Absolute Bank Secrecy Law, tanggalin — DOF

Mylene Alfonso
Mar 5, 2020
1 min read

Nakatakdang dumulog ang Department of Finance sa Kongreso upang tuluyan nang matanggal ang “Absolute Bank Secrecy Law” sa gitna na rin ng pagkakapasok ng malaking halaga ng cold cash sa bansa na posibleng nagagamit sa ilegal na gawain.

Sa weekly economic briefing sa Palasyo, inihayag ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na dapat lang malaman kung saan pupunta at gagamitin ang naipasok na milyun-milyong dolyar na halaga ng mga Chinese national mula noong Disyembre hanggang Pebrero ngayong taon.

Ani Lambino, dalawang taon na ang nakararaan nang iminungkahi na nila na isama sa TRAIN Law ang pag-alis ng Bank Secrecy Law pero ito’y tinanggal sa pamamagitan ng legislative process.

Muli aniya nila itong isinama sa draft bill ng tax amnesty ngunit, tulad noong una ay inalis din ito sa Congress deliberation.

Ayon pa kay Lambino, muli nilang ihihirit sa Kongreso ang pagtatanggal sa Absolute Bank Secrecy Law para matumbok kung saan nagagamit o napupunta ang pumapasok na daan-daang milyong dolyar na naipapasok ng mga Chinese national.

Kaugnay nito, inihayag ng Finance official na hindi naman labag sa batas ang ginawang pagdadala ng gayu’ng kalalaking cold cash basta ito ay idedeklara lamang.

Nabatid na nasa $28.6-billion cold cash na ang naipasok sa bansa mula December 2019 hanggang February 2020.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page