top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Van ni Kim Chiu, pinagbabaril sa Quezon City

  • Twincle Esquierdo
  • Mar 4, 2020
  • 1 min read

Pinagbabaril ang van ng Kapamilya aktres na si Kim Chiu sa Katipunan, Quezon City. Patungo sa taping ang aktres ng mangyari insidente. Kasama nito ang kanyang P.A at driver ng alas-6 ng umaga, kasalukuyang natutulog ang aktres sa kanyang van ng mangyari ang pamamaril. "I was shocked and ask[ed] my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying 'buti nakahiga ako” aniya. Dinetalye ng aktres sa buong pangyayari sa kanyang instagram account.

Wala itong ideya kung sino ang may pakana, "I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke.". Wala rin daw itong kaaway o naka-atraso. “Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?” aniya.

Laking pasasalamat naman ng aktres dahil ligtas siya at ang mga kasama nito. Ayon sa kanyang driver, Wilfredo Taberna, paliko na sana sila sa CP Garcia Avenue sa Katipunan ng may narinig silang putok ng baril at inakalang ang puting SUV na katabi nila ang target ng mga ito.

Nakita nilang nakasakay sa motorsiklo ang dalawang lalaki na bumaril sa kanila. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, anim na bala ang nakita nila sa sasakyan ng aktres.

Nakapagdulot rin ng matinding trapik sa Katipunan dahil sa nangyaring insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page