top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Turismo ng ‘Pinas, mas umunlad!

Nancy Binay
Mar 4, 2020
1 min read

May panibagong magandang balita para sa turismo sa ating bansa.

Tumaas ang ranking natin sa 2019 Travel and Tourism Competitiveness Index ng World Economic Forum.

Alam n’yo ba na 75th out of 140 bansa ang ranking natin mula sa 79th sa nakaraang TTCI at may score tayong 3.8 sa 1-7 na scale?

Itinuturing ng WEF na “most improved” ang overall performance natin sa rehiyon ng Asya.

Hindi lang ‘yan dahil “most improved” din daw tayo sa larangan ng Ground and Port Infrastructure sa Asia-Pacific.

Mabuting gamiting gabay ang report kung paano natin mapalalago ang turismo at magamit para sa pagtamo ng inclusive development.

Kailangan ding idiin na ang mga areas of concern na mababa ang ranking natin tulad ng safety and security (135th) at health and hygiene (94th) ay hindi lang mahalaga sa turismo kundi sa pagsiguro ng mas magandang kalidad ng pamumuhay ng ating mga kababayan.

Mahalagang balansehin din natin ang ating tourism drive nang masigurong hindi tayo dumadagdag sa pinsala sa kalikasan.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page