Sangley Airport project, pinarerebyu sa Kongreso

Isang infrastructure-oriented think-tank ang nanawagan sa Kongreso na rebyuhin ang isinusulong na Sangley International Airport ng Cavite provincial government dahil sa pagiging salungat umano sa Build Build Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dating Kabataan Partylist Congressman, Atty. Terry Ridon, ng Infra Watch PH at dating miyembro ng House Transportation Committee, ipinanawagan ang rebyu dahil na rin sa pahayag kamakailan ni Pangulong Duterte sa kanyang commitment na ipagbawal ang reclamation projects sa Manila Bay area, maliban na lamang doon sa mga konektado sa government projects hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
Ani Ridon, ang resulta ng bidding para sa Sangley project ay nagtataas din ng ‘red flags’ sa viability ng proyekto dahil iisang proponent lamang aniya ang nagsumite ng panukala.
Nabatid na ang tandem ng MacroAsia at CCCC ay ang sole bidder para sa $10 billion Sangley Point International Airport project na ide-develop sa pakikipag-partner sa provincial government of Cavite.
Nais ding malaman kung may koordinasyon sa transport agencies upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.
Nais din nitong malaman kung ang PPP ng Cavite ay may conflict sa direktiba ng DOTr na gamitin ang Sangley bilang hub para sa general aviation at low-cost carriers.
Nanindigan si Ridon na dapat masagot ang mga katanungan dahil anumang conflict ng national government initiatives sa Sangley ay maaaring mangahulugan ng pagkasayang ng bilyong pisong pera ng mga taxpayer.





Comments