top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Magulang at nagkasal, kulong.. Child marriage, krimen

  • V. Reyes
  • Mar 4, 2020
  • 1 min read

Nais nang gawing krimen ang pagpipilit sa mga menor-de-edad na mag-asawa dahil sa negatibong epekto nito sa kanilang kalusugan at development lalo na sa mga batang babae.

Batay sa tala ng UN Children’s Fund, 15 porsiyento ng mga babaeng Filipino na edad 20 hanggang 24 ay nakapag-asawa na bago pa sila tumuntong sa edad na 18.

Ayon sa United Nations Population Fund, karamihan sa mga batang nag-asawa ay nakararanas ng maaga at paulit-ulit na pagbubuntis bago pa man sila maging physically matured at masanay sa responsible parenthood.

Ang mga batang ina naman ay dalawang beses ang posibilidad na mamatay sa pagbubuntis o magkaroon ng kumplikasyon at dalawang beses ding delikadong masawi ang kanilang sanggol.

Itinatakda ng Family Code of the Philippines na ang legal age of marriage ay 18-anyos ngunit, exempted o hindi sakop nito ang Muslim minors.

Sa ilalim ng House Bill 1486, nais na maparusahan o makulong ang mga nagkasal, gayundin ang mga magulang o guardian na pumayag o nagpuwersa sa bata na magpakasal.

Inaatasan din sa panukala ang mga ahensiya ng gobyerno na lumikha ng mga programang tutugon sa pagdami ng child marriage at pagbibigay ng mga serbisyo sa mga batang napuwersang mag-asawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page