top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lakan Cup: Steels at Davao Tigers isa na lang para sa MPBL final

MC
Mar 4, 2020
2 min read

Nagpasabog ang Basilan sa final quarter upang gapiin ang Bacoor, 77-63, habang pinadapa ng Davao Occidental ang lupaypay na ring Zamboanga, 47-28 noong Lunes ng gabi upang makahakbang na palapit sa pagduwelo sa final sa South Division ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season na idinaos sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City.

Pinauna muna ng third-ranked Basilan Steel ang second-ranked Bacoor Strikers na makalamang sa 54-53 bago nakapagsalpak si Allyn Bulanadi ng tres para sa 18-2 salvo na nagpalamang sa kanila sa 17 puntos sa nalalabi na lamang na 3:55 minuto ng laro.

Isa pang tres mula kay Jay Collado ang naglagay sa Jumbo Plastics-backed Steel sa kalamangan na 77-59 hanggang sa magwagi at may tsansa na para sa best-of-three South finals kontra sa nakaabang na Davao Occidental Tigers na nagpaulan ng shooting laban sa Zamboanga at itala ang hindi makalilimutang panalo.

Ang kabuuang 75 na total score ng Davao vs. Zamboanga ang nagpabura sa 92 na dating hawak ng Cebu at Marikina.

Ang kanilang halftime total na 30 (19-11) ay alinlangan na rin ang record. Si Emman Calo ang tanging nakagawa ng double digit score sa laro na may 12 puntos.

Ayon kay Basilan coach Jerson Cabiltes, nai-scout nilang mabuti ang Strikers. “I just told the boys to stay composed and to continue what we’re doing right which is to put pressure on the ball,” ani Cabiltes.

Hindi nakapaglaro sa Strikers ang go-to-guy na si Gab Banal na na-injured ang kaliwang tuhod dahil nakabanggaan nito si Bulanadi sa 1:19 minuto ng second quarter. Nakagawa ang Bacoor ng 10 puntos mula kay Oping Sumalinog.

Sisikapin ng Steel at Tigers na kunin ang semifinal series habang ang Striker at Zamboanguenos ay pakay ang equalizer sa Huwebes sa Strike Gym sa Bacoor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page