top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Join na raw sa MMFF, pati Summer Filmfest, 'di pinalagpas… Sigaw ng Netizen: Coco, ganid!

  • Janice DS Navida
  • Mar 4, 2020
  • 2 min read

Nakakalokah at ang sarap tirisin ng ilang bashers. Minsan, kahit ayaw mo nang patulan dahil mga trolls lang naman sila, hinahamon talaga ang pasensiya mo, eh!

Well, kung kami nga na nakikibasa lang sa mga comments ng mga bashers sa social media ay affected much sa mga below the belt na banat nila sa mga local celebrities natin, what more ‘yung mis­mong taong binabanatan nila, ‘di ba?

Tulad ngayon, dahil lang sa balitang pasok ang movie ni Coco Martin na Love or Money with Angelica Panga­niban sa first Summer Filmfest this April, 2020, may mga nag-comment nang mas bagay daw na title ng movie ay “Love FOR Money” at tinawag pang “ganid” ang aktor-producer-director.

Hirit ng mga bashers kay Coco, give chance to others naman daw. “Hinahakot” na nga raw ni Coco ang kita sa box office ‘pag Metro Manila Film Festival tuwing December, heto’t kasali na naman ang aktor sa Summer Filmfest.

Hoooooooy, mga bashers na puro bibig at walang mukha, teka lang!!! Dapat nga ay matuwa pa kayo dahil may isang tulad ni Coco na sumusugal pang mag-produce ng pelikula para makapagbigay ng trabaho sa mga kasamahan niya sa industriya at maka­paghatid-saya sa madlang pipol.

Kung tutuusin, puwedeng-puwede namang mag-invest sa ibang negosyo si Coco, pero bakit isinusugal niya ang pera niya sa moviemaking?

Eh, kasi nga, mahal niya ang movie industry at gusto niyang matulungan ang mara­ming walang trabaho.

Hay, naku! Dahil puro nega ang laman ng utak ng mga bashers na ‘to, hindi talaga nila nakikita ang aspetong ‘yan.

Sa mga bashers, kayo ang mayhawak ng pera n’yo kaya kung ayaw n’yong manood ng movie ni Coco, eh, di ‘wag! Pero para pigi­lan n’yo siyang gumawa ng pelikula, wala kayong paki, pera niya ‘yun, ‘no!

Hay! Na-beast mode tuloy aketch! Hahaha!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page