Jay Sonza, tumanda na sa kasisipsip kay P-Digong wa' pa ring puwesto, aguuuy!
- Pabs Hernandez III
- Mar 4, 2020
- 2 min read
MALAS NA SEKYU AT SUWERTENG SEKYU—Dalawang eksena tungkol sa dalawang sekyu ang nasaksihan ng publiko, kamakalawa.
Ang nasaksihan ng publiko ay ang pamamaril ni Alchie Paray sa kapwa niya sekyu at pangho-hostage ng 30 katao sa V-mall sa Greenhills, San Juan City at ang paggisa naman ng Senado kay Fidel Mendoza na sekyu ng Bureau of Immigration (BI) tungkol sa “pastillas scheme” sa airport.
Ang pagkakaiba sa dalawang sekyu, minalas si Paray kasi arestado at nakakulong na siya sa patung-patong na kaso, habang natuklasan ng Senado na napakasuwerte naman ni Mendoza dahil sa kabila ng P12K lang na suweldo niya kada buwan, meron pala siyang P7.8 milyong kayamanan, boom!
◘◘◘
NANG-HOSTAGE NA NGA, PINAG-PRESSCON PA—Kahit walang napatay na hostage victims, nabatikos pa rin ng publiko si San Juan City Mayor Francis Zamora.
Nang matapos ang hostage-drama, sa kabila ng maraming pagkakataon para dakpin si Paray ay hinayaan pa ito ni Mayor Zamora na magpa-presscon, gayung alam nilang armado ito.
Onli in da ‘Pinas lang na ang hostage-taker, pinag-presscon pa ng mayor, buwisit!
◘◘◘
ESPENIDO, AYAW LUBAYAN NI PNP CHIEF GEN. GAMBOA —Inihayag ng PNP-Region 6 (Western Visayas) na sasampahan daw nila ng kasong administratibo si Lt. Col. Jovie Espenido dahil sa paglabag nito sa “gag order” ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa nang sabihin nitong “failure of intelligence” ng Philippine National Police (PNP) kaya nasama ang kanyang (Espenido) pangalan sa narcolist.
Ayaw talagang lubayan ni Gen. Gamboa ang “poster boy” ni P-Duterte sa drug war kasi matapos isama si Espenido sa “narcolist” ay pinasampahan naman ng kasong administratibo, boom!
◘◘◘
MATTEO GUIDICELLI, MAY PUWESTO NA, JAY SONZA WALA PA—Itinalaga ng National Youth Commission (NYC) ang aktor na si Matteo Guidicelli bilang Youth Ambassador ng Pilipinas.
Mabuti pa si Matteo, ang bata-bata pa ay may puwesto na sa gobyerno, pero si Jay Sonza, halos tumanda na sa kasisipsip kay P-Duterte pero ‘nganga’ pa rin kasi hanggang ngayon ay wala pa ring posisyon sa pamahalaan, saklap!





Comments