top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Istayl ni P-Digong, parang sa chess, mahirap basahin ang moves

Bobi Tiglao
Mar 4, 2020
3 min read

Kung minsan ay may makikita tayo sa Facebook post na malinaw at simple lang ang pagsusuri kung bakit hanggang ngayon ay suportado pa rin ng taumbayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tulad na lamang ng post ni Jun Abines na taga-Cebu na may pamagat na “Dissecting Duterte.” Ito ang kanyang sariling ideya kung bakit ibinoto ng nakararami ang dating mayor ng Davao City.

Dating “billiard boy” si Abines pero nakapag-aral ito para maging accountant. Isa siyang simpleng mamamayan na naiintindihan kung bakit hanggang ngayon ay aprubado pa rin ng taumbayan ang pamamahala ni Pangulong Duterte.

Ito ang artikulo ni Abines na isinalin natin sa Tagalog na pinaikli lamang nang kaunti:

“Kapag nagsasalita si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng publiko, ang kanyang Ingles ay ordinaryo lang. Halata sa kanyang punto ang Bisaya. Hindi siya mala-elitistang nagpapakapino o magalang kaya ang iba riyan ay pinagtatawanan siya.

Sabi nila, ‘low class’ lang daw na pulitiko ang pangulo at wala raw susuportang bilyunaryong oligarkiya sa kanya. Pero sa kabila ng mga banat na tulad nito, bawat salita ng pangulo ay nararamdaman at binibigyang-atensiyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bakit?

Dahil bawat salita niya — may kasama mang mura o wala — ay maririnig ang katapatan, sinseridad, katalinuhan at higit sa lahat ay ang katotohanan.

Ito ba ang Duterte mula sa “magulong” isla ng Mindanao? Siya ba ang mayor na pilit idinidikit sa mga EJK? Oo, pero, hindi ito ang dapat na mga tanong.

Bagkus, bakit siya inihalal ng mga Pilipino? Bakit ayaw sa kanya ng mga elitistang oligarkiya, Simbahang-Katolika, media, US, rebelde, CIA, drug lord at kriminal?

Bakit maraming bansa at lider sa buong mundo ang humahanga at may respeto sa kanya?

Simple lang ang sagot, naiintindihan ng pangulo ang problema ng Pilipinas. Alam niya kung sino ang tunay na kaaway ng bayan.

Siya lamang ang may b—y—g na labanan ang mga mayayabang na bansa na mahilig mag-utos (tulad ng U.S. at Europa) sa Pilipinas na akala mo ay pag-aari nila tayo.

Siya lang ang nakikipagkaibigan sa ibang mga bansa (tulad ng China at Russia) na inaayawan ng U.S. at Europa.

Ang mga kaaway ng pangulo ay magaling manlinlang. Kontrolado nila ang malalaking negosyo, ang napakaraming pulitiko, gayundin, ang media.

May kaaway siya sa loob at labas ng bansa at hindi sila titigil. Kaya naman kapag nanatili sa puwesto ang pangulo, mawawalan sila ng gatasan nila.

Wala siyang takot na harapin ang kanyang mga kaaway. Ngunit, aminin nating matanda na siya sa edad na 74.

Maraming ‘bala’ na puwedeng gamitin ang mga ito — puwede siyang ipapatay — at kaya nilang maghintay sa susunod na pangulo na maaari nilang hawakan sa leeg.

Kumbaga sa chess, akala mo ay ‘mali’ ang mga kilos ng pangulo pero kapag tumagal ay makikita mo na tama pala ang desisyon niya at siya pa rin ang nananalo.”

Saan galing ang mga estratehiya ng pangulo? Paano siya nakalulusot sa tila walang humpay na atake laban sa kanya? Bakit parang wala siyang takot o kapaguran?

Ang sagot ay lagpas sa lohika — mahal niya ang kanyang bayan. Sa katunayan, mas mahal niya ito kaysa sa pagiging tanyag o mayaman. Maraming pulitiko ang nagsasabi na mahal nila ang Pilipinas. Pero ang kanilang kilos at gawa ay taliwas dito.

Masuwerte tayo kung mayroon pang isang pulitiko riyan na magiging tulad ni Pangulong Duterte na handang ialay ang buhay para sa bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page