top of page
Pokwang.jpg

CBA: Isang panalo na lang sa Palayan City para sa titulo

Alvin Olivar / MC
Mar 4, 2020
1 min read

Nakapagtala ang Palayan City Capitals ng pinakamalaking panalo na 79-74 laban sa defending champion San Juan Knights at malapit na nilang masungkit ang korona ng Community Basketball Association Pilipinas Executive Cup sa San Juan gym nitong nagdaang weekend.

Nakapagtala si Renz Alcoriza ng game-high 19 points sa bisa ng 7-of-11 shooting sa loob ng 24 minutong aksiyon upang matulungan ang Capitals na makuha ang kauna-unahang best-of-three title showdown sa community-based tournament ng CBA.

Bumanat ng triple-double si Levi Dela Cruz na may 10 points, eight rebounds at eight assists para sa Capitals, na siyang pinakamalakas na naglaro na ikinagalak ng pinuno ng Palayan City na si Adrienne Cuevas, team owner Ryan Cuevas at manager Ryan Ripalda.

May tig-10 puntos sina Gab Reyes, Marvin Maroga at Denniel Aguirre para sa Palayan City, na pakay din ang titulo sa ilalim ni veteran coach Alvin Grey. Namuno si Noah Lugo sa San Juan na may 18 points, three assists at two rebounds. May monster game na nagawa si Ato Ular sa bisa ng double-double performance na 16 points at 16 rebounds para sa mentored Knights ni coach Randy Alcantara.

Makukuha ng Palayan City ang titulo sa isa pang panalo sa Game 2 sa Linggo, Marso 8 sa Gapan City, gymnasium. “Homecourt naman namin sa susunod na game kaya pipilitin namin makuha na ang titulo. Kailangan lang tapatan namin ‘yun physical game nila, lalo na sa shaded area,” ayon kay Grey, na nagtrabaho rin bilang assistant coach ng PBA legend Pido Jarencio. “Magandang laban ito sa Gapan,” dagdag ni Grey, bilang head coach ng Trinity University of Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page