top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bayad na leave of absence, daragdagan

  • V. Reyes
  • Mar 4, 2020
  • 1 min read

Madaragdagan pa ang bilang ng taunang mandatory o obligadong bayad na leave of absence para sa mga manggagawa sa bansa.

Magiging sampung araw na ang service incentive leave ng mga manggagawa sakaling tuluyang maisabatas ang House Bill 1338 na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara sa botong 197 na pabor at walang pagtutol.

Inaamiyendahan ng panukala ang Article 95 ng Labor Code of the Philippines na nagtatakdang limang araw lamang ang service incentive leave na may bayad.

Kailangang nakapagsilbi na ng isang taon ang empleyado para mabigyan ng pagkakataon na magamit ang service incentive leave.

Gayunman, hindi kasama sa pagbibigay ng leave credit na ito ang mga kumpanya o establisimyento na may mas mababa sa sampu ang empleyado, gayundin ang mga kumpanyang nagbibigay na ng 10 araw o higit pa na vacation leave pay.

Naniniwala ang nagtutulak ng panukala na si Baguio City Rep. Mark Go na ang pagdami ng bayad na leave of absence ay makatutulong para tumaas ang morale at maging produktibo ang mga empleyado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page