top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Batas-militar, sagot sa krisis sa ekonomiya

Ka Ambo
Mar 4, 2020
1 min read

Usap -usapan ang peste at trahedya na nararanasan ng daigdig.

Nauulit lang ang sinaunang kasaysayan ng mga tao sa Bibliya!

◘◘◘

LAHAT ng ito ay babala ng pagdarahop.

Aktuwal nang gumuguho ang world economy!

◘◘◘

KAPAG may krisis sa ekonomiya, hihina ang istruktura ng lahat ng gobyerno.

Ibig sabihin, guguho ang mga pamahalaan!

◘◘◘

SA pagbagsak ng gobyerno, mag-aagawan sa poder ang mga lider.

Ang “power struggle” ay maaaring madugo o mapayapa!

◘◘◘

NAGIGING madugo kapag nahati sa iba’t ibang paksiyon ang grupong militar.

Madugo sapagkat ang militar ay may kani-kanyang armas!

◘◘◘

PERO kapag nagkakaisa ang militar, mapayapa ang pagpupuslit ng liderato.

Kahit magkaroon ng protesta sa kalye pero solid ang militar sa isang lider — walang dugong dadanak!

◘◘◘

KAILANGAN ang kamay na bakal sa panahon ng krisis.

Magagawa lamang ito sa ilalim ng Batas-Militar!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page