2 estudyante inararo ng kotse
- Janice Baricuatro
- Mar 4, 2020
- 1 min read

Isa ang patay habang isa ang kritikal matapos araruhin ng kotse, kahapon sa Tagaytay-Nasugbu highway, Bgy. Neogan, Tagaytay City.
Kinilala ang mga biktima na sina Meruva Shreehari, 21, na nasawi sa insidente, at Reddappa Pavan, 19, kasalukuyang ginagamot, kapwa Indian nationals at residente ng Las Piñas City.
Hawak na ng pulisya ang suspek na si Arthuro Ortiz, Jr., 40, ng Tagaytay City.
Sa imbestigasyon ni Patrolman Cipriano Contreras II, alas-12:05 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar kung saan magkasama ang dalawang biktima at nagkukuwentuhan sa tabi ng kanilang motor na naka-park sa gilid ng kalsada sa tapat ng isang restoran nang bigla na lamang dambahin ang mga ito ng rumaragasang kotse na Mitsubishi Sedan 4-door na minamaneho ng suspek.
Pumailalim ang dalawang biktima na agad namang naitakbo sa Ospital ng Tagaytay subalit, idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Meruva Sreehari na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo.
Marahil ay nakatulog umano ang driver. Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.





Comments