Rematch kay Spence o laban kay Pacman, Garcia, nanghamon

Walang kagatul-gatol na hinamon agad ni American boxer Mikey Garcia si Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao para magsagupa sila sa susunod na bakbakan.
Nasabi agad ito ni Garcia at buong yabang na kakasahan daw niya si Pacman matapos na kanyang talunin ang kababayang si Jessie Vargas sa kanilang laban noong Linggo sa bisa ng unanimous decision.
Kahit daw isang rematch kay Errol Spence, Jr., ay muli niya itong hinahamon, maliban kay Pacman. Nakalasap kasi si Garcia mula kay Spence ng kauna-unahang professional loss nito nang maglaban ang dalawa noong Marso 2019. “I’m better at this weight class. This is a great option to continue at
147,” ani Garcia.
Isa si Garcia sa mga boksingerong ikinokonsidera ni Pacquiao sa comeback fight nito na sinasabing gaganapin sa buwan ng Hulyo. Hawak na ngayon ni Garcia ang 40-1 win-loss record, kabilang na ang 30 knockouts.





Comments