top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Duterte, damay, nega dahil sa pandededma ni Cayetano sa prangkisa ng ABS-CBN

Pabs Hernandez III
Mar 3, 2020
2 min read

P-DUTERTE, DAMAY SA GALIT NG PUBLIKO SA PANDEDEDMA NI CAYETANO SA ABS-CBN FRANCHISE—Kung totoo ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ayaw ni P-Duterte na maisara ang ABS-CBN dahil marami ang mawawalan ng hanapbuhay, dapat gawing urgent bill ng pangulo ang renewal sa prangkisa ng Kapamilya Network para trabahuhin na ito ng tropa ni Speaker Alan Peter Cayetano sa Kongreso.

Sa totoo lang, ang patuloy na pandededma ni Cayetano sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ay kay P-Duterte nagbu-boomerang dahil iniisip ng publiko na baka may utos ang pangulo na huwag i-renew ang franchise ng Kapamilya Network kaya “nganga” lang ang House Speaker sa isyung ito, boom! **** SANGKATERBANG DUWAG NA MAMBABATAS—Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ay pabor daw sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN ang “silent majority” ng Kongreso kaya lang, natatakot daw lumantad ang mga ito dahil baka resbakan sila ng liderato ng Kamara.

Dahil sa sinabing ‘yan ni Atienza ay nalaman ngayon ng publiko na sangkaterbang kongresista pala ang duwag, mga buwisit! **** “MANOK” NI P-DUTERTE SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTIONS, RESBAKAN KAYA NG MGA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT TODA?—Matapos patayin ng gobyerno ang hanapbuhay ng mga magsasaka sa isinabatas na Rice Tariffication Law at payagan ni P-Duterte na makapangisda sa dagat ng Pilipinas ang mga Chinese na isa sa mga dahilan kung bakit humina ang kita ng mga mangingisda ay ang mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) naman ang nais alisan ng hanapbuhay nang pagbawalan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga tricycle na bumiyahe sa mga national at major highways.

Naku, baka dahil sa mga ginawang ‘yan ng gobyerno ay ang gawing resbak ng mga magsasaka, mangingisda at TODA ay ibasura ang “manok” ni P-Duterte sa 2022 Presidential Elections, boom! **** DOBLADONG SUWELDO, WALANG BISA SA MGA SCALAWAG NA PARAK AT SUNDALO—Magkasunod na inaresto ng PNP sa kasong extortion sina CIDG Police Maj. Melvin Madrona sa Bacolod City at Army Col. Samsudin Pulua sa Maguindanao.

Patunay ‘yan na walang bisa sa mga scalawag ang dobladong suweldong ipinagkaloob sa kanila ni P-Duterte kasi ang laki na ng suweldo nila, nangingikil pa, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page