top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nahatulan sa MTC, puwede pa ring magpiyansa habang inaapela ang kaso

Persida Acosta
Mar 3, 2020
2 min read

Dear Chief Acosta Na-convict ang tatay ko ng Metropolitan Trial Court sa kasong light threats at nasentensiyahan siya ng arresto mayor. Naniniwala kaming siya ay inosente kaya gusto naming iapela ang kanyang conviction. Ayaw namin siyang makulong kaya nais naming malaman kung maaari pa ba kaming makapagpiyansa habang nakaapela ang kanyang kaso? - Lagertha

Dear Lagertha, Para sa inyong kaalaman, isinasaad ng Rules of Court ang pagkakaroon ng karapatan na makapagpiyansa ang nasasakdal sa kabila ng kanyang conviction sa mga krimen na nasa jurisdiction o nasasakupan ng Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court, Municipal Trial Court in Cities o Municipal Circuit Trial Court.

Ang karapatang makapagpiyansa ay naaayon sa Section 1, Rule 114 ng Rules of Court. Ayon sa nasabing panuntunan:

Section 4. Bail, a matter of right; exception. — All persons in custody shall be admitted to bail as a matter of right, with sufficient sureties, or released on recognize as prescribed by law or this Rule (a) before or after conviction by the Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court, Municipal Trial Court in Cities, or Municipal Circuit Trial Court, and (b) before conviction by the Regional Trial Court of an offense not punishable by death, reclusion perpetua, or life imprisonment. (Binigyang-diin)

Sa inyong sitwasyon, bagama’t, ang inyong ama ay napan ng guilty o na-convict na sa kasong light threats na nasa jurisdiction ng Metropolitan Trial Court ay maaari pa rin siyang makapagpiyansa. Ito ay kanyang karapatan at hindi nakabatay sa discretion o pagpapasya ng korte.

Upang ang inyong ama ay makapagpiyansa habang ang kanyang kaso ay nakaapela pa, siya ay maaaring maghain ng Motion for Bail upang ipagbigay-alam sa korte ang pagnanais niya na makapagpiyansa ayon sa nabanggit na probisyon ng Rules of Court.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page