Mala-Imelda Marcos sa dami ng koleksiyon ng sapatos… Mommy D., may bagong bahay na regalo ni Sen. Pa
Erlinda Rapadas /Teka Nga

Wow! Nakakainggit naman ang mommy dearest ng Pambansang Kamao na si Mommy Dionisia Pacquiao.
May brand new house na naman siya ngayon na ipinatayo ni Sen. Manny Pacquiao na mas bongga kesa sa una niyang bahay.
Ipinasilip na raw ni Mommy D. sa media ang bago niyang bahay. Mala-Imelda Marcos ang collection niya ng sapatos at nakakatuwa dahil may collection din siya ng Barbie dolls.
At her age, mahilig sa manika si Mommy Dionisia? Hehehe! Parang ako rin pala na may collection ng dolls.
Bukod dito, may collection pa si Mommy D. ng tea cups. Ganunpaman, hindi niya ipinamimigay ang mga luma niyang gamit for sentimental reason.





Comments