Maggugurlisan ang gamefowl breeders sa Pampanga Challenge

Maghaharap ang pinakamahuhusay at kinikilalang mga gamefowl breeders ng apat na lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor kasama ang tatlong siyudad ng Cebu City, Lapu-Lapu at Mandaue sa pagratsada ng Central Visayas’ qualifier events para sa pinag-uusapan na Thunderbird Pampanga Challenge 2020.
Nagsimula noong Peb. 29 sa Bogo Cockpit, ang 2-bullstag/cock na eliminasyon ay magpapatuloy sa Mar. 8 – Tabuela Orange Cockpit; Mar. 15 – Gallera De San Enrique; Mar. 26 – Laguda Cockpit; Apr. 4 – Escalante Peoples Arena; Abr. 4 – New Ubay Cockpit; Abr. 4 - Simala Orange Cockpit at Abr.8 – Segundo S. Lim Memorial Cockpit.
Ang 3-cock/bullstag finals ay papagitna sa Gallera de Mandaue sa Abril 17, kung saan ang mananalong kampeon kasama ng iba pang regional champions ay mabibigyan ng pagkakataon na hamunin ang mga Thunderbird National Endorsers sa pinag-uusapang 2020 Pampanga Challenge na gaganapin sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20, kung saan makakalaban nila ang nagtatanggol na kampeon na sina Baham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Paolo Malvar, Baham Mitra, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Engr. Sonnie Magtibay, Marcu del Rosario, Jesry Palmares, Dennis de Asis, Jo Laureno, Baba Yap, Bebot Monsanto, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Tan Brothers (Jun, Bobot & Bong), Evan Fernando, Mariano Brothers (Tol & Lino), Manny Dalipe, Bentoy Sy atbp.
Ang entry fee ay P3,500 o P7,700 (plus empty packs ng Thunderbird Enertone), kung pipiliin na maglaban ng direstong limang manok sa finals.





Comments