top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taong 2020, bagsak ang ekonomiya, dumami ang tambay, may krisis sa sikmura

  • Ka Ambo
  • Mar 2, 2020
  • 1 min read

Tumataas ang kaso ng coronavirus sa South Korea. Ingat po tayo!

****

AMINADO ang mga eksperto na makararanas tayo ng global crisis dahil sa COVID-19. Pero, ang mga Pinoy, pakuya-kuyakoy lang!

****

MARAMI nang nawawalan ng trabaho dahil sa nagsasaradong mga kumpanya. Isa ang malinaw, malaki ang nalugi sa tourism at aviation industry!

****

KUNG ang malalaking korporasyon ay nalulugi, paano pa ang maliliit na negosyante? Maraming vendors sa Metro Manila ang nagsiuwi na sa probinsiya nang matanggal sa bangketa ang kanilang munting “kabuhayan”!

****

MARAMI ring jeepney drivers at operators ang tumigil sa pamamasada dahil sa pinupuwersang modernisasyon. Naging tambay ang mga pobreng tsuper!

****

BAWAL na ang tricycle sa national highways. Mawawalan ng trabaho ang mga trike drivers. Marami sa kanila ay nakapagpaaral ng mga anak, pero waley silang kabuhayan!

****

IPINATUPAD ang rice tariffication. Nalugi ang libu-libong magsasaka!

****

PINABAYAAN ang pambu-bully ng mga Chinese sa West Philippine Sea (WPS). Nawalan ng ikabubuhay ang maraming mangingisda!

****

PINAGPAPATAY ang mga baboy dahil sa African Swine Fever (ASF). Natunaw ang backyard piggery. Napakaraming bibig ang nawalan ng pagkain, gayundin, ang mga estudyante na hindi makae-enroll sa kolehiyo!

****

NAGSISIUWI na rin ang mga OFWs at hindi makalabas ng bansa dahil sa virus. Milyun-milyong OFWs na ang apektado nito!

****

BIGO ang gobyerno na maresolba ang krisis sa ekonomiya. Ngayong taong ito, kani-kanya na lang ang 100 milyong Pinoy sa paghahanap ng delihensiya laban sa napipintong krisis sa sikmura!

****

ISTRANDED ang mga produktong Chinese na sinasandalan ng maraming negosyante. Malagim ang hinaharap sa mga susunod na buwan, partikular sa panahon ng Kapaskuhan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page