top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PNP Chief Gamboa, ayaw pakontrol kay P-Digong

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 2, 2020
  • 2 min read

ESPENIDO, NILINIS NA NI P-DUTERTE PERO AYAW PANG PUMAYAG NI GEN. GAMBOA—Tila hindi kumbinsido si PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa sinabi ni P-Duterte na hindi sangkot sa ilegal na droga ang “poster boy” ng gobyerno sa “war on drugs” na si Lt. Col. Jovie Espenido, dahil ayon sa PNP chief ay pag-aaralan pa ng PNP-National Adjudication Board (NAD) kung dapat alisin o hindi ang pangalan ng “bata” (Espenido) sa narcolist.

Sa isyung ito, d’yan makikita na sa mga itinalaga ni P-Duterte na PNP chief (Sen. Ronald dela Rosa at Gen. Oscar Albayalde) ay si Gen. Gamboa lang ang kumokontra sa kanya kasi sabi ng pangulo, hindi sangkot sa ilegal na droga si Espenido, pero ang kasalukuyang PNP chief, ayaw pang pumayag, boom!

****

MOCHA, LUMABAG NA SA RA 6713 PERO ‘NGANGA’ LANG ANG MGA CVC OFFICIALS—Sa kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Taal, isa sa mga nagpakalat ng “fake news” si Mocha Uson tungkol kay VP Leni Robredo na pandesal lang daw ang ipinamigay nito sa mga evacuees. Ngayon naman, busy si Mocha sa social media sa panawagang ABS-CBN shutdown at paninira sa mga mambabatas na pabor sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Si Mocha ay deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ang mandato ay may kaugnayan sa mga OFWs at labag sa “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” ng Republic Act 6713 ang mga ginagawa niyang fake news at pag-atake kay VP Leni, ABS-CBN at lawmakers. Pero imbes na parusahan, “nganga” lang sina Civil Service Commission (CSC) Chairman Alicia Bala, Commissioners Aileen Lizada at Leopoldo Valdersosa sa mga pinaggagagawang ito ni Mocha, mga pwe!

****

CSC OFFICIALS, TAKOT KAY MOCHA—Dapat isalpak kina CSC Chairman Bala, Comm. Lizada at Comm. Valderosa na ang suweldong mahigit P150K monthly ni Mocha ay nagmumula sa taumbayan at hindi sa bulsa ni P-Duterte, kaya dapat aksiyunan nila ang mga maling ginagawa nito (Mocha) batay sa nakapaloob sa Republic Act 6713.

Pero kung takot sila kay Mocha na baka atakehin sila nito sa social media, aba, dapat magsipag-resign na sila kasi hindi sila karapat-dapat sa CSC, period!

****

GULUNG-GULO NA ANG ISIP NG DDS KUNG SINO KINA MAYOR SARA AT MOCHA ANG SUSUPORTAHAN?—Nanawagan si Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga mambabatas na i-renew na ang prangkisa ng ABS-CBN dahil malaki raw ang naitutulong ng Kapamilya Network sa Davao City, taliwas ito sa patuloy na panawagang ABS-CBN shutdown ni Mocha.

Dahil d’yan, gulung-gulo na ang isip ng mga DDS kasi hindi na nila malaman kung sino ang susuportahan nila kina Sara at Mocha, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page