top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Magdasal na lang.. Cellphone at TV, iwasan — Pope

Madel Moratillo
Mar 2, 2020
1 min read

Hinikayat ni Pope Francis ang mahigit isang bilyong Katoliko na bawasan ang oras sa paggamit ng cellphone at telebisyon.

Ayon sa Santo Papa, ito ay upang maiwasan ang ingay ng mundo na hadlang sa pakikipag-usap sa Panginoon.

Kasunod nito, pinayuhan din ni Boac Bishop Marcelino Maralit, Jr., chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communication, ang mga Katolikong Pinoy na iwasan ang mga gadgets sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Maralit, mahalaga ang katahimikan sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Kadalasan aniya, nagiging sagabal ang gadget para magkaroon ng katahimikan na kinakailangan upang makapagnilay at makipag-ugnayan sa Panginoon.

Paglilinaw ng Obispo, hindi masama ang magkaroon ng mga gadgets pero, ang problema aniya, kontaminado ang mga ito ng mga negatibong bagay.

Sa datos ng Global Web Index, nangunguna ang Pilipinas sa paggamit ng social media sa buong mundo na naitala na 72 porsiyento sa kabuuang populasyon ang aktibo sa internet o katumbas sa 71 milyong Filipino.

Bagama’t, aminado ang Obispo na mahirap pigilan ang nakaugaliang gawain sa social media, umaasa ito na ngayong panahon ng Kuwaresma ay pagtutuunan ng lahat ang pagninilay at pakikipag-usap sa Diyos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page