top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Imported cars, pinapatay ang motor industry ng ‘Pinas

Bong Revilla
Mar 2, 2020
2 min read

Bong Revilla / Anak ng Teteng!

Alam ba ninyo na kamakailan lamang ay naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng notice of initiation of a preliminary safeguards investigation dahil sa unti-unting pagbagsak ng motor industry sa bansa?

Marami umanong magpapatunay na itinaob na sa merkado ng mga imported vehicles ang domestic industry at dahil sa tuluy-tuloy na pagbaba nito ay kinakailangan na talaga nating gumawa ng aksiyon.

Lumalabas na mahigit sa 1.1 milyong kotse at light commercial vehicles ang legal na iniaangkat sa Pilipinas mula sa ibang bansa mula pa noong 2014 hanggang Setyembre, 2019.

Base sa inilabas na ulat ng DTI, umabot sa 778,847 units ng passenger vehicle ang iniangkat na dumaan pa mismo sa Bureau of Customs (BOC) sa loob ng limang taon at 147,131 units naman ang mga light commercial vehicles.

Dahil dito, umaalma na ang Philippine Metalworkers Alliance (PMA) sa pagdagsa ng mga imported na sasakyan sa bansa na siya ngayong pumapatay sa motor vehicle industry sa Pilipinas.

Ang PMA ay binubuo ng 37 unyon ng mga manggagawa na nasa car company at car parts maker dahil sa ramdam na umano nila ang epekto nito sa industriyang kanilang ginagalawan.

Mismong ang DTI na siyang nagsagawa ng unang pag-aaral ay nakitang paliit na nang paliit ang market share ng mga sasakyang gawa sa ating bansa kumpara sa mga bumabahang imported cars.

Nagsimula ito noong 2014, na sa bawat 100 sasakyang naibebenta sa merkado ay 43 lamang ang gawa sa ating bansa at bumaba pa ito noong 2015 na nasa 39 na lamang.

Nasundan pa ito noong 2016 na nasa 33 na lamang ang naibenta at nagtuluy-tuloy pa sa pagbaba dahil nasa 26 sasakyan na lamang na gawa sa atin ang naipagbili noong 2018.

Sa puntong ito, naramdaman ng mga manggagawa ang napakalaking epekto dahil marami na sa kanila ang nawalan ng trabaho at dahil sasakyan ang kanilang linya ay medyo limitado rin ang oportunidad para sa kanila.

Noong 2014, nasa 1,186 ang mga empleyado ng manufacturer ng mga motor vehicles sa bansa at umakyat pa ito sa 1,915 noong 2016 at tumaas pa sa 2,309 noong 2017.

Nagsimulang magbago ang industriya noong 2018 dahil naging 1,901 na lamang ang mga manggagawa at nabawasan pa ito ng 41% noong 2019 at sa kasalukuyan ay nasa 1,112 na lamang ang mga vehicle manufacturers sa

bansa.

Mabuti na lang at kahit paano ay nabasa ng pamunuan ng DTI ang pabagsak nang industriyang ito at kasalukuyan na silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon kung bakit nagkaganito.

Marami pa naman sa ating mga kababayan na inakalang kaya tumindi ang trapik sa mga lansangan ay dahil sa dami ng bumibili ng bagong sasakyan kasi bumaba ang downpayment at hulog.

At inakala ng marami na kaya dagsa ang mga bagong sasakyan sa bansa ay dahil masigla ang lokal na industriya at hindi rin akalain na halos 75% sa mga bagong sasakyan sa merkado ay imported.

Sa mga apektado naman nating kababayan, partikular ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay ay sama-sama nating kalampagin ang DTI sa isinasagawa nilang imbestigasyon, dahil huli man daw at magaling, huli pa rin!

Anak ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page