top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

9 na kabayo, sa 2020 3-yo Maiden Stakes Race

Ding Taboy
Mar 2, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Nakatakdang magharap sa darating na Marso 15, ang 2020 Philracom 3-Year Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Maglalaban sa distansiyang 1,500 meters ang mga kalahok na Beli Bell, Bishop Blue, Carttierruo, Cat’s Magic, Drummer Girl, Laguardia, Sky Commander, Top Czar at Zibarawana.

Tatanggap ng halagang P720,000.00, ang magiging kampeon samantalang mapupunta sa 2nd place ang P270,000.00 habang tatanggapin ang P150,000.00 bilang premyo ng magiging pangatlong puwesto at mag-uuwi ng P60,000 ang tatanghaling 4th place.

Samantala, tatanggap ng P36,000 ang breeder sa mananalong kabayo. Bibitawan ang 2020 Philracom 3-Year Old Maiden Stakes Race at Road to the Triple Crown Races sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Opo mga igan, hahataw sa Abril 12 ang 2020 Philracom 3-YO Maiden Stakes Race na may nakalaang premyo na P1.2-M at Road to the Triple Crown Races na may nakalaang papremyo na P500,000.00.

Tatawirin ang distansiyang 1,600 meters at mapupunta ang unang premyo sa tatanghaling kampeon na P720,000.00, samantalang may P270,000 sa 2nd place, mapupunta sa 3rd place ang P150,000.00 at mag-uuwi ng P60,000.00 ang tatanghaling 4th place.

Ang nomination at ang declaration ng mga kalahok sa nasabing karera ay sa Marso 23, 2020. Ang trial ng karera ay sa Marso 31, 2020 sa nasabing karerahan.

Samantala, sa Road to the Triple Crown Race mapupunta sa kampeon ang P300,000 habang ang matitirang P200,000 ang paghahatian ng 2nd, 3rd at 4th places.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page