top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

230,000 baboy, kinatay dahil sa ASF

V. Reyes
Mar 2, 2020
1 min read

Nasa 17 lalawigan sa bansa ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Dr. Ronnie Domingo, director ng Bureau of Animal Industry, tinatayang 230,000 mga baboy na ang isinailalim sa culling o pinatay.

Gayunman, nilinaw ni Domingo na hindi lahat ng pinatay na baboy ay tinamaan ng virus. Maliit na porsiyento lamang aniya ang apektadong mga baboy sa bansa mula sa kabuuang 12.7 milyong alagang baboy sa buong Pilipinas.

Kaugnay nito, umapela si Domingo sa publiko lalo na sa mga hog raiser na makipagtulungan sa mga awtoridad sakaling may ma-monitor na kaso ng ASF sa kanilang lugar.

“Kaya po nating i-eliminate itong sakit na kung magko-cooperate po tayo,” ani Domingo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page