San Juan at Manila, may tsansa sa title battle ng MPBL Finals

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Inasahan ng San Juan si Mike Ayonayon habang kumuha ng lakas ang Manila mula kay Carlo Lastimosa upang gibain ang karibal noong Biyernes ng gabi at makalapit sa North division finals ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season na idinaos sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
Sinagupa ang mahigpit na guwardiya ni Travis Thompson, nakadale ng iskor si Ayonayon sa charity lane, dumrayb at saka bumanat ng off-balanced floater sa buzzer-beater na siyang nag-angat sa San Juan Knights laban sa Pampanga Giant Lanterns, 86-84 na ikinatuwa ng hometown fans.
Bumakas ng tres si Lastimosa sa papaupos na 40.4 nang talunin ng Manila Stars ang Makati Super Crunch, 77-74. Kailangan ng top-seeded Knights at ng second-seeded Stars na talunin uli ang Giant Lanterns at Super Crunch sa Marso 4 sa San Andres Sports Complex sa Manila para sa title battle.
“Designed play ‘yun, wala ng oras eh, last shot, so aatakihin ni Mike, ‘pag nag-double kay Mike, kick out kay John. Eh, hindi dinouble si Mike, kaya ginawan na ng paraan ni Mike,” ayon kay Alcantara, na siyang namuno para sa Knights upang maangkin ang MPBL Datu Cup national title noong 2019.
Si Lastimosa, na umalagwa para sa Manila sa 57-39 sa 3rd quarter ang naasahan ni Manila coach Tino Pinat hanggang sa dulo ng laro. Si Jong Baloria ng Makati ang nagpadikit sa 74-75, nasundan ni Lastimosa ng 2 libreng tira sa natitirang 1.9 segundo.
Sa patuloy na magandang laro sa q’finals, tumapos si Lastimosa ng 25 puntos, 6 assists at 3 rebounds, kasunod ni Aris Dionisio na may 12 puntos at 7 board, Chris Bitoon na may 11 puntos, 6 assists at 5 rebounds. Nakagawa ang Super Crunch ni coach Beaujing Acot ng 17 points at 11 rebounds mula kay Jeckster Apinan,16 points mula kay Baloria at tig-10 mula kina Joseph Sedurifa at Cedrick Ablaza.





Comments