top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pinasok sa opisina.. Abogado pinagbabaril, patay

V. Reyes
Mar 1, 2020
1 min read

Patay ang isa sa mga kilalang abogado sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija makaraang pagbabarilin sa kanyang law office sa Bgy. Poblacion.

Kinilala ang biktima na si Bayani Dalangin, 73-anyos.

Batay sa paunang impormasyon, nasa loob ng kanyang law office ang biktima at may kinakausap na kliyente nang pasukin ng suspek alas-7:15 ng Biyernes ng gabi.

Tinawag pa umano ng suspek ang pangalan ng abogado bago binaril.

Naisugod pa sa Talavera General Hospital ang biktima ngunit, hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon kay Police Col. Victor Leon Rosette, nagsasagawa na sila ng follow-up investigation sa nangyaring krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page