top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P1.60 bawas-presyo sa gas

  • Gina Pleñago
  • Mar 1, 2020
  • 1 min read

Nagbabadya ang malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Unang nag-abiso ng pagbawas sa presyo ang Phoenix Petroleum na P1.40 kada litro sa gasolina at P1.60 naman kada litro sa diesel na epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Naglabas din ng kanilang advisory ang Clean Fuel na may bawas-presyo ang kanilang mga produktong petrolyo na kahalintulad na halaga na epektibo ngayon araw, Marso 1.

Ang nagbabadyang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ay kaugnay sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page