North Luzon & MM qualifiers sa 2020 Thunderbird Challenge

Magbitaw ang mga matagumpay at mga bagong sumisikat na mananabong at gamefowl breeders ng North Luzon at Metro Manila ng kanilang pinakamahuhusay na tinale sa pagsabak sa kani-kanilang mga qualifiers para sa prestihiyosong Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20 kung saan ang lahat ng magwawaging regional qualifiers ay hahamunin ang mga Thunderbird National Endorsers na kinabibilangan ng nagtatanggol na mga kampeon na sina Baham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Paolo Malvar, Rey Briones, Joey Sy, Kano Raya, Engr. Sonnie Magtibay, Marcu del Rosario, Jesry Palmares, Dennis de Asis atbp.
Ang North Luzon Qualifiers 5-Bullstag Derby ay magkakaroon ng tatlong regional championships sa Pangasinan Coliseum (Marso 29); Jaycee Clay Sports Complex, Isabela (Abril 08) at Porac Cockpit Arena (Abril 13).
Para sa mga iskedyul ng eliminasyon sa inyong rehiyon sa North Luzon, maaaring makipag-ugnayan sa mga Gamefowl Specialist na naka-assign sa inyong lugar tulad nina Victor Jose Pidlaoan Corpuz (Cagayan, Isabela, Vizcaya, Quirino, Ifugao, Kalinga); May Aleli Ambatcan (Pangasinan, La Union, Baguio City); Mary Ann Taray-Ao (Ilocos Region, Abra); Christian Ihapon Astrea - Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac at Chamas Francisco (Nueva Ecija, Bulacan).
Samantala, ang Metro Manila Qualifiers na nagsimula na noong Peb. 19 sa Las Piñas Coliseum ay magpapatuloy sa Mar. 6 – Dasmariñas Coliseum, Cavite; Mar. 17 - Texas Cockpit, Antipolo; Mar. 21 – Tagaytay Cockpit; Mar. 28 – La Gallera De Tanza, Cavite at Abr. 2 – Roligon Mega Cockpit. Ang 3-cock finals ay gaganapin sa Roligon Mega Cockpit sa Abril 16.
Ang registration fee para sa dalawang qualifiers ay P3,500 plus empty packs ng Thunderbird Enertone at ang minimum bet ay P5,500.





Comments