Nagbibihis, baril nahulog.. Pulis sapul sa ulo, patay

Patay ang isang pulis nang aksidente umanong pumutok ang kanyang service firearm at tinamaan ang kanyang ulo habang nagbibihis kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Manila.
Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Patrolman Johnferd Soriente, may asawa, nakatalaga sa Philippine National Police ( PNP) Aviation Security Group.
Batay sa imbestigasyon ni PSSG Mark Daniel de Guzman, alas-7:45 ng umaga nang umalingawngaw ang isang malakas na putok mula sa loob ng bahay ng biktima.
Nauna rito, habang nagbibihis umano ng uniporme si Soriente at isusukbit na ang kanyang service firearm nang mahulog at nang dadamputin na minalas na sa gatilyo umano ito nahawakan kaya pumutok at tumama sa kanyang ulo.
Nabatid na ang biktima ay asawa ni Patrolman Josephine Soriente, 26, nakatalaga sa Navotas Maritime Police.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.





Comments