top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Banario at Zamboanga, malupet sa ONE: Jungle

MC
Mar 1, 2020
2 min read

Photo: onefc

Closed door ang event sa Singapore Indoor Stadium dahil sa banta ng COVID-19 at walang manonood kundi pawang sa mga telebisyon at online lamang ang palabas ng ONE Championship: King of the Jungle kung saan sa main event, isang ekstraordinaryong performance ang ipinakita ni Janet “JT” Todd nang gibain si dating two-sport ONE World Champion Stamp Fairtex at angkinin ang ONE Atomweight Kickboxing World Title.

Unang naglaban ang dalawa sa Muay Thai rules, pero ang lupet ng mga kamao ni Todd ang namayani. Sa matitinding boxing combinations, umiskor si Todd ng mga nakatutulig na suntok at hooks. Pabor ang tatlong judges kay Todd sa split decision.

Sa co-main event, muling nakaangkin ng korona si ONE Strawweight Kickboxing World Champion Sam-A Gaiyanghadao ng Thailand nang gibain si Rocky Ogden ng Australia para sa inaugural ONE Strawweight Muay Thai World Championship. Ang legendary Thai veteran ang mas mabilis at mas malakas sa laban.

Bagama’t dikit ang laban ng dalawa, pinaka-agresibo pa rin si Sam-A pagdating sa rounds 4 at 5, pinarurusahan ang kanyang kasagupa sa bisa ng mabibilis at malalakas na sipa at suntok. Matapos ang limang high-octane rounds, pumabor ang tatlong judges kay Sam-A na itinala bilang ‘first ever male two-sport ONE World Champion.’

Umiskor si Kimihiro Eto ng Japan ng pinakamalaking panalo sa career nang patulugin si ONE World Title challenge Amir Khan ng Singapore sa unang minuto ng opening round. Kahanga-hanga ang grappling skill ng Hapon.

Nang humilata sa sahig si Khan, agad na binigyan ni Eto ng panapos na rear naked choke.

Sa laban ng Pinay na si Denice “The Menace Fairtex” Zamboanga kontra Mei “V.V.” Yamaguchi ng Japan para sa 3-round Atomweight contest, nagwagi ang ‘Pinas sa unanimous decision. Pinatibay ni Zamboanga ang kanyang lakas sa bisa ng kanyang boxing combinations. Bugbog na agad ang mukha sa unang round ni Yamaguchi. Bagama’t napababagsak ng Haponesa ang Pinay sa takedowns, nakakakalas ang Pinay. Pagdating sa huli, pumabor ang 3 judges kay Zamboanga. Pagkaraan ay inanunsiyo ni Mitch Chilson na si Zamboanga ang kakasa kay ONE Women’s Atomweight World Champion Angela Lee ng Singapore.

Wagi naman si dating ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario ng Team Lakay nang magbalik ito sa featherweight division kontra Shannon “OneShin” Wiratchai ng Thailand sa bisa ng close split decision victory.

Giyera ang naging laban ng dalawang dating lightweights sa kabuuan ng rounds. Nakapagpadapo pa ng kaliwang sipa ang kasagupa ni Banario at tinamaan siya sa baba. Gayunman, nakabawi ang Pinoy sa boksing at takedowns kung kaya sa pagtatapos ng laban, ipinanalo ng judges si Banario.

Wagi agad sa unang round sa bisa ng knockout si Japanese-Korean mixed martial arts legend Yoshihiro “Sexy Yaman” Akiyama kontra Sherif “The Shark” Mohamed ng Egypt.

Ipinakita ni veteran Akiyama ang husay sa galaw ng kanyang ulo kaya mintis ang mga suntok ni Mohamed. Sa pagtatapos ng round, dinale ni Akiyama ang kasagupa sa bisa ng right hook si Mohamed. Sa bakbakan pa ng top female strawweights, nanaig si World title challenger at Singaporean boxing champion Tiffany “No Chill” Teo kontra Ayaka Miura ng Japan sa bisa ng technical knockout sa 3rd round.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page