top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

300 empleyado na sinibak ng PAL, bibigyan ng tulong — Palasyo

  • Mylene Alfonso
  • Mar 1, 2020
  • 1 min read

Tiniyak ng Malacañang na makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang 300 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) na nawalan ng trabaho dahil sa naging epekto ng Coronavirus Disease 2019 sa operasyon ng kumpanya.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaari nilang alalayan ang mga nasibak na empleyado sa paghahanap ng panibagong trabaho.

Sinabi ni Nograles na maaari nilang bigyan ng bagong training ang mga empleyado sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ibinahagi ni Nograles na nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment sa mga trabahante upang malaman kung paano sila mabibigyan ng

panibagong oportunidad.

Sisiguraduhin din aniya ng DOLE na matatanggap ng mga apektadong tauhan ng PAL ang kanilang separation benefits.

Matatandaang, noong Biyernes ay inanunsiyo ng PAL na nag-implementa ito ng voluntary separation program para sa 300 ground-based administrative and management personnel.

Ito ay bahagi ng business restructuring initiative ng PAL kasunod ng pagkalugi nito noong 2019, na lalong pinalala ng nagpapatuloy na travel restrictions at flights suspensions sa mga lugar na apektado ng COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page