top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

2020 Philracom 4-YO & Above Local

  • Ding Taboy
  • Mar 1, 2020
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Kakarera na ngayong hapon ang 2020 Philracom 4 Year Old & Above Local at Philracom Rating Based Handicapping System Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Walong kalahok ang maglalaban-laban sa 3 YO & Above Local na Victorious Colt, Boxmeer, ang couple entry na Best Regards at Serafina, at couple entry na Mess at Metamorphosis, Eugene Onegin at Pangalusian Island.

Tatawid sa 1,600 meters ang mga kalahok at ginagabayan na maglalaban sa unahan ang Victorious Colt, Pangalusian Island, Metamorphosis at Eugene Onegin na naghihintay ang P300,000 sa magiging kampeon. Tatanggap ng P112,500 ang tatanghaling 2nd place, mapupunta ang P62,500 sa 3rd place at P25,000 sa 4th place.

Samantala, magaganap ang siyam na PRBHS at dalawang Condition Race. Kasabay nito aalagwa ang tatlong Winner Take All (WTA) at Pick 5, dalawang Pick 6, at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet at Pentafecta at Super Six.

Sa Race 1, panimula ng 1st WTA kasama ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six at pinapaboran ang Missus Field at makakalaban nang mahigpit ang Rico Mambo habang sa Race 2 umpisa ng 1st Pick 6 nakalalamang ang Hardliner at makakatunggali ang Jun Tailor at Money For Shelltex.

Sa Race 3, maglalaban-laban ang Hidden Eagle, Alezzandro at couple entry na Undercover at Dikoridik Koridak at sa Race 4 nakalalamang ang Pagbabago, magsisilbing kalaban ang Fire Bull kasabay ng pagsisimula ng 2nd WTA.

Sa Race 5 na simula ng 2nd Pick 5 ay paglalabanan ng Victorious Colt at Pangalusian Island at sa Race 6 nakalalamang ang Big Boy Vito at makatutunggali ang couple entry na Put Atigerinnurtank at Hand Work Classic na simula ng 3rd WTA.

Sa Race 7, umpisa ng 2nd Pick 6 pinapaboran ang Sydney Boy at magsisilbing kalaban ang Solar Boost at Ahala habang sa Race 8 magaganap ng 3rd Pick 5, nakalalamang ang Bullet Fever at makakatunggali ang Maker’s Mark at Pano Mo Nasabi.

Sa Race 9 simula ng Pick 4, ipinapatok ang All Heart at makakalaban ang Marinx, Coube Brian at Expecto Patronum habang sa Race 10 ay nakalalamang ang Heritage, makakalaban ang Kapangyarihan at Warrior Heart.

Sa Race 11, ipinapatok ang Speak Easy at makakalaban ang couple entry na Ace Up at Misaka habang sa Race 12 paratingan sa 3rd WTA, 3rd Pick 5, 2nd Pick 6 at Pick 4, nakalalamang ang couple entry na Sky Plus at Believe Me laban sa Double Sunrise.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page