SALN case vs. Purisima, ibinasura
- BRT
- Feb 29, 2020
- 1 min read

Pinawalansala ng Sandiganbayan sa kasong perjury si dating PNP Chief Allan Purisima.
Sa desisyon ng 2nd Division ng Sandiganbayan, sinabi nito na not guilty si Purisima sa walong bilang ng perjury na inihain dito.
Ayon sa korte, nabigo ang prosekusyon na maghain ng sapat na ebidensiya para patunayang guilty beyond reasonable doubt si Purisima sa kasong ibinibintang sa kanya.
Dahil dito, ipinag-utos ng Anti-Graft Court na ibalik ang inilagak na piyansa ng dating PNP chief gayundin, ipinatatanggal na ang hold departure order laban dito maliban kung may iba pang kaso na nakasampa sa kanya.
Ang kasong perjury ay nag-ugat sa sinasabing hindi paghahain ni Purisima ng tamang SALN noong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.





Comments