Pagsira kay P-DU30, bumubuwelo lang
USAP-USAPAN ang “Pastillas Scheme” sa Bureau of Immigration (BI). Pero, ano ang nasa likod ng “Pastillas” exposé? **** BISTADUNG-BISTADO ang Pastillas Exposé kasi ito ay nakabalot ng “kulay dilaw”. Imbes na isumbong sa kanyang hepe sa BID, tumakbo ang whistleblower na si Allison Chiong kay Sen. Risa Hontiveros. Kaya nalantad agad ang “kulay dilaw”! **** ITINAON ang exposé at imbestigasyon sa Senado sa anibersaryo ng EDSA Uno. Kumbaga, ‘yan ang kanilang “bomba” sa EDSA! **** GINAMIT ang paggunita sa EDSA Uno sa protesta laban kay P-Digong kung saan nakamarka sa poster ang pagsusulong na ibagsak ang administrasyong Duterte. At ang kanilang main event ay ang “Pastillas Modus” sa Immigration! **** TILA nakaprograma ang mga aktibidad kung saan walang ibang agenda kundi masira ang administrasyong Duterte. Si Chiong ay sinasabing may kaduda-dudang personalidad at naitalaga ito mula noon pang panahon ng dilawan! **** KAHINA-HINALA ang tayming ng expose sa Pastillas System dahil isinabay din ito sa rally ng mga kawani ng ABS-CBN. Ang pagsira sa administrasyong Duterte ay malinaw na bumubuwelo! **** MAY ulat na sumailalim sa rehab ang whistleblower na dumaranas ng depresyon. At ginagamit siya ngayon ng dilawan kontra kay P-Digong! **** MAY nagsasabi ring nangampanya ang whistleblower kontra sa kandidatura ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil masyado itong mahigpit sa illegal drugs. Ibig sabihin, may ilang lihim na pagkilos ang whistleblower na dapat imbestigahan ng mga awtoridad! **** SA biglang paglitaw ni Chiong, nais palitawin dito na mahina ang liderato ni BI Commissioner Jaime Morento na nagulat pa sa expose. Sinasabing sobrang higpit ni Morente dahil nais nitong ireporma ang Immigration office at marami ang tatamaan sa kanyang diskarte! **** PERO, ayon kay Morente, ang expose ay malaking hamon sa kanyang liderato at agenda na ireporma nang todo ang Immigration para sa ikabubuti ng lahat. At ngayon, suportado ni P-Digong ang malawakang balasa, tiyak na maiaayos nang todo ang reporma! **** ISANG masamang trial-by-publicity ang nararanasan ngayon ng BI. Isang malaking hamon ito upang malinis ang ahensiya sa sapot ng katiwalian at alingasngas!





Comments