Lakers, tinambakan ang GSW; Kumidlat ang Thunder
- ATD/MC
- Feb 29, 2020
- 1 min read

Nakatabo si Danilo Gallinari ng 24 puntos habang may 20 basket si Shai Gilgeous-Alexander nang iposte ng Oklahoma City Thunder ang 112-108 na panalo kontra sa bisitang Sacramento Kings sa NBA game kahapon.
Nakadagdag si Chris Paul ng 17 puntos at 7 assists habang si Steven Adams ay may 15 puntos at 7 rebounds nang magwagi ang Oklahoma City sa limang sunod na laro at ika-14 sa nakaraang 17 game.
Nagtala si Dennis Schroder ng 13 points at 7 assists habang si Nerlens Noel ay may 10 points at 7 rebounds para sa Thunder.
Nasayang ang 21 puntos ni Harrison Barnes maging ang 19 points ni Harry Giles III para sa Sacramento na naputol ang tatlong sunod na panalo.
Nakapagtala si Nemanja Bjelica ng 18 puntos at 9 rebounds, may 15 puntos si Buddy Hield at limang tres habang si Bogdan Bogdanovic at Alex Len ay may tig-11 points.
Naglaro ang Sacramento nang wala si pointguard De’Aaron Fox dahil sa pananakit ng tiyan, ayon sa team.
Samantala, umiskor si Rajon Rondo ng walo sa 12 puntos sa paghahabol nila sa 3rd quarter, upang tuluyang mamayani ang tikas ng Los Angeles Lakers tungo sa 116-86 na pananambak sa Golden State Warriors.
Isang game-high-tying iskor na 23 puntos ang nagawa ni Anthony Davis para sa Lakers, na nagwagi ng ika-7 diretso sa kabila ng pamamahinga muna ni LeBron James dahil sa injury.
Sa iba pang laban, tinalo ng Philadelphia ang New York, 115-106 at hindi nakaporma sa Indiana ang Portland, 106-100.





Comments