top of page

Kapitbahay, may ‘K’ ipabunot ang puno ng may-ari kung aabot na sa bakuran niya

  • Persida Acosta
  • Feb 29, 2020
  • 2 min read

Dear Chief Acosta, Mahilig magtanim ng puno ang aking kapitbahay sa kanyang bakuran. Napansin ko isang araw na may itinanim siyang puno malapit sa hangganan ng kanyang lupa. Ipinabubunot ko ang itinanim niyang puno dahil siguradong manghihimasok ito sa aking lupa kapag ito ay lumaki na. Pero tumanggi ang aking kapitbahay sapagkat may karapatan daw siyang magtanim sa loob ng kanyang lupa. Ganu’n ba ‘yun? - Ban

Dear Ban, Binigyang-linaw sa Article 679 ng New Civil Code of the Philippines na maaaring hilingin ng may-ari ng katabing lupa ang pagbunot sa mga punong itinanim sa mas maikling distansiya mula sa kanyang lupa:

“Article. 679. No trees shall be planted near a tenement or piece of land belonging to another except at the distance authorized by the ordinances or customs of the place, and in the absence thereof, at a distance of at least two meters from the dividing line of the estates if tall trees are planted and at a distance of at least fifty centimeters if shrubs or small trees are planted. Every land owner shall have the right to demand that trees hereafter planted at a shorter distance from his land or tenement be uprooted.

The provisions of this article also apply to trees which have grown spontaneously.” (Binigyang-diin)

Malinaw na sinasabi ng batas na bilang may-ari ng katabing lupa, kayo ay may karapatan na hilingin sa inyong kapitbahay na bunutin ang punong kanyang itinanim malapit sa hangganan ng kanyang lupa kung ito ay hindi alinsunod sa mga ordinansa, kaugalian sa inyong lugar o distansiyang itinakda ng nabanggit na batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page