P-Du30, oks magpa-under, mga Pinoy pinapili.. China o U.S.?

Kung hindi kayang tumayo ng Pilipinas mag-isa, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na marapat lang na mamili ito kung magiging teritoryo ba ng Amerika o magiging probinsiya ng Tsina.
Gayunman, nilinaw ng Malacañang na pangangantiyaw lamang ni Pangulong Duterte sa sariling bansa ang naging pahayag. Ito ay sakaling hindi kayanin ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumayo sa sariling paa matapos ibasura ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.
“Ano lang niya iyon, sinasabi niya, kung hindi natin kayang maging gobyerno, di magpa-colonized na lang tayo — iyon ang ibig niyang sabihin,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“For that matter, whether China or any other country, iyon ang ibig niyang sabihin. Ano lang iyon, parang reference niya lang. But he refers to — that was the general statement. Kumbaga, kantiyaw iyon sa sarili nating bansa. Kung hindi natin kaya, eh, huwag na tayong magkaroon ng gobyerno. Iyon ang ibig niyang sabihin!” dagdag pa ng kalihim.
Wala naman kasi aniyang kalaban ang Pilipinas maliban sa mga komunista, New People’s Army (NPA), rebeldeng Muslim at mga terorista.
Ikinatwiran pa ng kalihim na kung hindi kaya ng pamahalaan na supilin ang mga nabanggit na problema ay wala nang karapatan ang gobyerno na pamahalaan pa ang bansa at magpasakop na lamang sa Amerika o China o sa alinmang bansa.





Comments