top of page
Pokwang.jpg

Ni-lock sa bahay.. Mag-uutol na 3, 4 at 8 patay sa sunog

V. Reyes
Feb 28, 2020
1 min read

Natusta nang buhay makaraang makulong sa loob ng kanilang nasusunog na bahay ang tatlong batang magkakapatid sa Dumalinao, Zamboanga del Sur, kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Dionisio Cayudong, Jr., alas-9:00 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa bahay ni Bimbo Betzusa sa Purok Talaba, Bgy. Camanga.

Dalawa sa mga nasawing paslit ay lalaki na may edad na tatlo at apat habang ang isang babae ay walong taong gulang at special child.

Ayon kay Caduyong, nagsimula ang apoy sa kusina ng bahay dahil may naiwan umanong nakasalang sa kalan.

Tinangka ng kanilang mga kapitbahay na iligtas ang nag-iiyak nang mga bata ngunit nakakandado ang pinto ng bahay at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ang istruktura sa light materials.

Inihabilin umano ni Betzusa ang mga anak sa kapatid nitong lalaki na nuo’y umalis din ng bahay para pumunta sa kaibigan ngunit ikinandado ang pintuan upang hindi makalabas ang mga paslit. Sinasabing malapit sa highway ang bahay ng mga biktima.

Wala rin sa bahay ang ama ng mga bata na nagtatrabaho bilang construction worker sa Pagadian City habang ang ina ay overseas Filipino worker. Patuloy pang sinisiyasat ng BFP ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page