top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Negosyante, 3 pa timbog sa droga

Maeng Santos
Feb 28, 2020
1 min read

Apat kabilang ang isang negosyante ang arestado matapos makuhanan ng nasa P180,000 halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang ilegal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City Police P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na sina Paul Andrew Decena, 30, negosyante, at Abegail Torres, 22, kapwa ng Bgy. 168, Deparo, Wifredo Verzosa, 29, ng Bgy. 171, at John Erick Pedelino, 27, ng Sta. Cruz, Manila. Ayon kay P/Col. Menor, alas-7:00 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Harold Aaron Melgar mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na transaksiyon ng

ilegal na droga sa Bgy. 168, Deparo.

Nang respondehan ng mga tauhan ng PCP-6 ang naturang lugar, naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na naging dahilan upang pagdadamputin ang mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 1.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang P180,000 ang halaga, isang timbangan at ilang drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page