May part 2 pala, Sen. Kiko... Sharon, tikom ang bibig sa pagsasama nila ni Gabby
- Nitz Miralles
- Feb 28, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Hindi pa rin bumabalik sa social media si Sharon Cuneta at ang huli nga niyang post sa Instagram (IG) ay noong February 12, 2020 pa kung saan, nangako siyang she will be back, but up to now, hindi pa rin siya bumabalik.
Dahil nag-LOA sa socmed, nami-miss tuloy ng mga fans ni Sharon ang mga kuwento niya, mga hugot at pagpo-promote ng kanyang mga ganap. Maganda pa namang mag-promote si Sharon ng kanyang mga projects dahil may kasamang kuwento.
Gaya na lamang sa gaganaping Gabay Guro sa March 3 sa Centennial Arena sa Laoag, Ilocos Norte. Magkasama uli sila ni Gabby Concepcion, pero dahil nga bakasyon sa socmed, bukod sa hindi na ma-promote ang event, hindi maiparating ng mga fans nila ni Gabby ang tuwa na magkakasama uli sila kahit isang gabi lang.
Kay Gabby ipinaabot ng mga fans nila ni Sharon ang request na sana mag-duet din sila gaya sa ginanap na Gabay Guro sa MOA last year. Nabasa namin ang mga requests kay Gabby na duet nila ni Sharon, pero wala itong sinasagot.
Sa Gabay Guro event lang magkikita sina Sharon at Gabby at umaasa ang mga fans na mapag-usapan nila ang isyu nina Sharon at KC Concepcion at maging tulay si Gabby para maayos na ng mag-ina kung anuman ang kanilang problema.





Comments