top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

DOH, DFA at OWWA, kontes sa pabagalan ng kilos sa COVID-19

  • Imee R. Marcos
  • Feb 28, 2020
  • 2 min read

May kasabihan na “Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin.” Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, akma ito lalo na pagdating sa kaligtasan at kalusugan ng bawat Pilipino.

Ayon sa ulat, umabot na sa pito ang naiulat na namatay sa COVID-19 sa South Korea at tumataas pa ang bilang ng mga tinatamaan ng virus, pero pansin ko lang, parang papetiks-petiks na naman ang pamahalaan, ang Department of Health (DOH) ay tila wala pa ring ginagawang hakbang.

Idineklara na ng SoKor ang high virus alert level, pero nakatunganga pa rin ang DOH, Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ano na, hintayan pa rin? Natutulog na naman sa pansitan? Magdedesisyon lang kapag huli na, ganern?!

Ano ang gagawin natin sa mga kababayan natin sa SoKor lalo na ‘yung mga papasok sa ating bansa?

Sa akin lang, bakit palaging nahuhuli kung magdesisyon ang gobyerno? Ano ba talaga ang problema kasi mukhang nagiging pattern na ang sistemang ito na palagi na lang huli? Kalerki!

Mind you, natatakot na ang marami nating kababayan sa SoKor. Para na namang bingi ang mga ahensiya ng gobyerno, pulong nang pulong pero wala ba talagang dati nang nakalatag na malinaw na plano, eh, noong Enero pa sumiklab ang COVID-19, hanggang ngayon, meeting pa rin?

Puwede ba, bilis-bilisan naman ninyo ang kilos, huwag ninyong hintayin na may Pinoy pang tatamaan ng virus.

Shoutout sa DOH, DFA, OWWA, please lang, agapan na ang sitwasyon at gawin na ang dapat gawin. Maraming OFWs ang nasa SoKor na nangangamba sa kanilang kaligtasan sa virus.

Hay, naku, nakakasawa nang magpaalala sa mga ahensiya ng gobyerno, walang sariling palo, bakit ganern? Awtomatik na dapat ‘yan, eh, parang pako sila na kung hindi pupukpukin, hindi babaon! ‘Kaloka!

Mag-decide na kayo habang may oras pa, kilos na para sa mga OFWs sa South Korea. Now na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page