Davao Occ vs. Zamboanga sa semis, nang talunin ang Bicol

May idinaraing man na injury, naglaro si Mark Yee sa Davao Occidental at tinalo ang Bicol, 64-56 sa overtime kaya nakadale ang Tigers ng semifinals game kontra Zamboanga sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season South division na idinaos sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City.
Bagama’t mayroon siyang partial right ACL tear, nakagawa si Yee ng hook shot nang makaalagwa ang Tigers sa hinahabol na 8 puntos sa ekstrang oras kung saan nila binlangka ang Volcanoes upang makalamang sa quarterfinals series, 2-1. Sa kabilang banda, dalawang beses nakagawa ang Zamboanga ng 8 puntos sa second half upang talunin ang Batangas City Athletic, 69-52 na may parehong 2-1 victory para sa paghaharap nila sa sariling playoffs.
Dahil si Yee ang humalili sa laro ni Yvan Ludovice na may injury, kinailangan ng Tigers na gamitin din ang tikas ni veteran Jerwin Gaco at Richard Albo.
Nakapagtarak si Gaco ng 10 puntos sa 4th quarter kabilang na ang dalawang free throws na hindi na pinaporma pa ang Volcanoes. Ikinatuwa naman ito ni Davao Occidental coach Don Dulay. “Oh my gosh! Hats off to Bicol, they gave us a tough, tough game,” ayon kay Dulay. “I’m happy for my guys for playing hard, never giving in. People were fouling out, our players were injured, but they still fought on.
The doctor said that he (Yee) can’t play but he told me that he wants to. What can you do? You got to let him fight.” Nakatulong si dating pro player Bonbon Custodio sa Tigers sa bisa ng 14 puntos kasunod ni Gaco at Emman Calo, Billy Robles na may tig-9 puntos.
May binakas si Yee na 4 puntos, 6 rebounds, 4 sa overtime at 3 steals sa 18:48 minuto na aksiyon. Hindi sapat ang 16 puntos para sa Bicol ni Ryan Ongteco at 15 ni Alwin Alday.





Comments