top of page

Maagang paggamit ng PT, dahilan kaya nagnenegatibo ang resulta

  • Shane Ludovice
  • Feb 28, 2020
  • 1 min read

Dear Doc. Shane, Ako ay 23 years old, dalaga at may BF. Hindi ko alam kung delayed lang ako o buntis? Isang buwan na mula nang huli akong niregla pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinaratnan. Nag-pregnancy test ako pero negative naman ang resulta.

Ang weird kasi ngayon lang ito nangyari sa akin. Bukod sa pagiging buntis, ano pa ang ibang posibleng dahilan ng hindi pagdating ng regla since negative ang resulta sa PT ko? - Jasmine

Sagot Kung siguradong hindi ka nagdadalantao dahil sabi mo ay negative ang iyong pregnancy test, maaaring nagkaroon ng ‘hormonal imbalance’ ang iyong katawan kaya hindi ka dinatnan ng kasalukuyang buwan.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon nito. Halimbawa, dulot ng stress o sobrang pag-iisip, sobrang pagkilos ng katawan o pagod at iba pa. Kung magkaganu’n, kailangang masuri ka ng gynecologist nang sa gayun ay mabigyan ka ng gamot na makapagbabalik ng normal na daloy ng iyong regla.

Samantala, may ibang tao naman na buntis ngunit ‘negative’ pa rin ang resulta ng kanilang pregnancy test at ang dahilan ay masyadong maaga ang ginawang eksaminasyon at mababa pa ang ‘human chorionic gonadotropin (hCG) level’ kaya negative ang resulta nito. Ito ang basehan ng mga pregnancy test kung tunay na buntis, na kapag inulit ang pregnancy test makalipas ang dalawang linggo, ito ay nagiging ‘positive’ na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page