UAAP Volleyball ’82 Collegiate, tuloy na

Itutuloy na ang naunang naudlot na pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 collegiate division volleyball tournament sa Marso 3.
Batay sa nirebisang schedule, magdaraos na ng mga laro tuwing Martes sa first round kung saan magkakaroon ng tig-isang laro sa men’s at isa rin sa women’s division.
Nilalayon nitong makabawi sa mga nagdaang mga araw na lumipas nang ipagpaliban ang dapat na opening ng volleyball tournament dahil sa coronavirus (COVID-19) outbreak.
Para sa opening day ng torneo, magtutunggali ang men’s at women’s teams ng Far Eastern University at University of the East sa Mall of Asia Arena. Kasunod nito ang salitang division schedule ng mga laro ay kada Miyerkules, Sabado at Linggo.
Ang iba pang second events ay magsisimula na rin sa susunod na linggo. Sisimulan ang UAAP baseball sa Marso 11, kasunod ang softball kinabukasan-Marso 12. Magbubukas na rin ang Collegiate at High school athletics sa Marso 21-25 sa PhilSports Track and Football field sa Pasig City.





Comments