Makati Crunch vs. Manila Stars start na ang semis sa CTG-MPBL
- MC
- Feb 27, 2020
- 2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Tinanggap ni Beaujing Acot ang coaching challenge nang malampasan niya ang lahat ng mga pagsubok at pinatunayan niyang kaya niyang gampanan ang mentorship.
Matapos na pamunuan ang Makati Super Crunch kontra Bulacan Kuyas, 2-0 tungo sa quarterfinals, optimistiko si Acot sa kanyang mga bataan kontra Manila Stars sa North division semifinal tussle ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season simula bukas, Biyernes, Peb. 28. “If we are consistent on defense and communicate on offense, we’ll be able to put up a good fight,” ani Acot, na hindi na nagpatumpik pa para hawakan ang Super Crunch dahil sa biglaang pag-alis ni long time coach Cholo Villanueva.
Hawak ng Super Crunch ang 20-6 win-loss record at nakasampa na sa playoffs nang umalis si Villanueva, kaya may pressure kay Acot sa players na bago pa lamang gumagamay sa kanyang coaching style at sistema. Unang natigpas ang Super Crunch ng Davao Occidental Tigers, 101-79, nang sumalang sa debut coaching si Acot na umani pa ng insulto at pangba-bash.
Pinanindigan ng Super Crunch management ni team owner Paolo Orbeta si Acot lalo na nang talunin ng Makati ang Caloocan, 119-107.
Ang back-to-back na pagkatalo sa Pasay at Nueva Ecija at sa elimination round-closing 91-90 kontra General Santos ang nagpaduda sa kakayahan ng Makati kung kaya nga bang talunin ang Bulacan sa quarterfinals.
Pinatunayan ni Acot at ng Super Crunch na mali ang marami dahil winalis nila ang Kuyas, 94-88 at 86-78 sa sarili nilang homecourt dahil hindi available ang Makati Coliseum. Nalampasan ng Super Crunch ang performance nila sa MPBL Datu Cup, kung saan sila unang tinalo ng Q.C. capitals sa quarterfinals. “What’s good with the team now is management and coaches and players are working together. We are always talking and adjusting to be on one page for one goal,” saad ni Acot. “I trust my players. Now, if we lose it simply means we lost to a better team.
“When I accepted the challenge asked by boss Vince Garcia he assured me that he will be with me and management all the way and we will rise above the challenges, most especially crunch time for we are stronger together. Coaching the Super Crunch is a challenge and God’s blessing. It helped me become more mature as a coach. And a gentle soul, too.”





Comments