Krimen, dumarami uli, may krisis na naman sa ‘Pinas!
- Ka Ambo
- Feb 27, 2020
- 1 min read
NAGPA-PANIC na ang South Korea sa COVID-19. Nadamay sila sa bio- weapons! **** NAKAKAHAWA ang COVID-19 kahit walang lagnat. Nanangkupooo! **** GUMIGIRE na ang mga aspirante sa 2022. Kay-aga ng kampanya. Ubos ang pondo ng bayan! **** DUMARAMI na ang mga magnanakaw at street crimes. Ito ay sintomas ng krisis ng lipunan! **** IBINABALA ang kakapusan ng suplay ng elektrisidad. ‘Yan ang delikado! **** NAKATAKAS si Sarah Geronimo sa dikta ni Mommy Divine. Nasadlak siya sa dikta ng dyowa! **** DUMARAING ang mga vendors, tumumal na ang paninda — binabaklas pa sila. Nagdarahop na, lalo pang nagdahop! **** BAWAL ang tricycle sa highway. Pero ang truck — puwede, kahit bawal. Basta may budget sa tongpats at penalty! **** SUMISIKAT si Sen. Christopher “Bong” Go. Siya ba ang manok sa 2022? **** ANG presidency ay buwenas-buwenas lang. Sino kaya ang bubuwenasin? **** SUPORTADO ng Senado ang ABS-CBN pero kontra ang Kamara. Nahati na ang Kongreso! **** MARAMI nang napapatay na opisyal ng Bilibid. Nagtatagumpay ang mga kriminal! **** PINEPESTE ng locust ang Russia, Pakistan at China. ‘Yan ang mapanganib! **** ISANG sekta ang inuubos ng COVID-19 sa South Korea. Dapat silang sagipin ng kanilang ‘diyos’! **** MAGSASARADO ang multi-national companies sa Pilipinas. Resbak ba ito ng mga Kano?





Comments