Kongreso, pahiya sa Senado, tinawag na sipsip sa ABS-CBN
- Pabs Hernandez III
- Feb 27, 2020
- 2 min read
MAS OKAY NANG MAGING SIPSIP PERO GINAGAWA ANG TRABAHO KESA SA MGA CONG. NA ‘NGANGA’ SA KONGRESO—Umuusok sa galit si Speaker Alan Peter Cayetano na sinabihan ang mga senador na sipsip sa ABS-CBN matapos unahan ng Senado ang House of Representatives sa pagdinig sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya Network.
Mas mabuti nang sipsip pero ginagawa ang trabaho sa Senado para sa kapakanan ng mga manggagawa at talents ng ABS-CBN kaysa sa tropa ni Cayetano na walang pakialam sa libu-libong mawawalan ng trabaho sakaling ma-shutdown ang Kapamilya Network, period!
****
DAHIL ‘NGANGA’ SA ISYU NG PRANGKISA NG ABS-CBN, KONTRABIDA TULOY ANG DATING NI CAYETANO SA PUBLIKO—Hindi dapat nagmamarakulyo si Cayetano sa pabida ng mga senador sa franchise renewal ng ABS-CBN kasi kung sila (House of Representatives) ang nauna, eh, sana, siya ang bida sa publiko at hindi ang mga senador.
Dahil ‘nganga’ lang si Cayetano sa hirit sa prangkisa ng ABS-CBN, kontrabida tuloy ang dating niya sa taumbayan, boom!
****
SA PROMISE NI SEN. ‘BONG’ GO, PARANG NABUNUTAN NG TINIK ANG MGA TAGA-ABS-CBN — Ang promise ni Sen. Christopher “Bong” Go ay hihilingin daw niya kay P-Duterte na huwag ipasara ang ABS-CBN dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawa at artista ng Kapamilya Network.
Dahil sa sinabing ‘yan ni Sen. Go ay parang nabunutan ng tinik ang mga taga-ABS-CBN kasi ang anumang payo ng dating SAP (Special Assistant to the President) na senador na ngayon ay pinakikinggan ng pangulo, period!
****
DAPAT IPAYO RIN NI SEN. GO KAY P-DUTERTE NA SIBAKIN NA SI MOCHA—Isa sa mga dapat ipayo ni Sen. Go kay P-Duterte ay sibakin na si Mocha.
Bukod kasi sa sayang ang ipinasusuweldong P155K monthly ng taxpayers sa kanya dahil hindi na nito nagagampanan ang trabaho niya sa OWWA dahil busy siya sa panawagang ipasara ang ABC-CBN ay lantaran pa nitong binabastos si Sen. Go kasi suportado ng senador ang franchise renewal ng Kapamilya Network, tapos si Mocha, post nang post ng ABS-CBN shutdown sa social media, boom!





Comments