Grassroots program ng Kayod Pilipinas, palalakasin
- Gerard Arce
- Feb 27, 2020
- 2 min read

Higit na palalakasin ng Philippine Squash Association (PSA) ang kampanya nito na palawigin pa ang kanilang grassroots upang ihanda sa mga darating na kompetisyon at pandaigdigang labanan.
Matapos ang matagumpay na kampanya sa nagdaang 30th Southeast Asian Games sa bansa at 6th Southeast Asian Cup sa Bangkok, Thailand, higit pang itotodo ng Kayod Pilipinas National Team na mapalakas ang grassroots level nito sa pagkakaroon ng mga batang may edad 7-12-anyos bilang parte ng kanilang development training.
“We already have a junior team in training, in fact, we also have 7-12 year olds that are undergoing development training,” pahayag ni PSA president Robert Bachmann sa panayam dito ng BULGAR.
“We are grateful that we already produce a 13 year old that is No. 8 in Asia in the under 15 Boys category,” dagdag nito.
Inspirado ang Kayod Pilipinas kasunod ng mapagwagian nito ang kauna-unahang gintong medalya sa biennial meet noong Disyembre ng isang taon, at sinundan ng impresibong 2 gold-1 silver-4 bronze medal finish sa katatapos lang na 6th SEA Cup SEA Squash championship.
Inihayag ni Bachmann na sa oras na matapos ang itinatayong squash facility sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, ay itutulak nilang mapasama ang naturang pampalakasan sa Batang Pinoy at National Games.
“As soon as our squash center is finished, we will focus on grassroots development and request for the inclusion of squash in the Batang Pinoy and National Games,” wika ni Bachmann.
Nagawang mapansin ng 55-anyos na pinuno ang bumabatang miyembro ng powerhouse team na Malaysia, kung saan sila ang nakakuha ng overall title sa nagdaang biennial meet na may 4 gold at tig-isang silver at bronze medals. Sila rin ang kumuha ng 1-2 finish sa men’s at women’s singles at titulo sa Mixed-team event sa nagdaang SEA Cup.





Comments