VAT exemption sa mga gamot, now na!
- Imee R. Marcos
- Feb 26, 2020
- 2 min read
Dahil sa pabagu-bagong klima, global warming at mga kalamidad, hindi natin maiwasang hindi tamaan ng sakit kahit gaano pa ang ating pag-iingat.
Feeling ko, umaaray na kayo, mga friendship, dahil kapag may tinamaan ng sakit sa pamilya ninyo — sa gamot pa lang, nadale na ang bulsa n’yo, eh, paano pa ang hospital bills at iba pang bayarin?
Eh, bakit kanyo? Badyet kasi ng isang ordinaryong “Juan” na may kakarampot na suweldo, sa pagkain lang napupunta na halos kapos pa, eh, paano na pala kapag nagkasakit pa ang isa sa mga miyembro ng pamilya, double stress na, ‘di ba?
Sabi nga, mahal magkasakit, bawal magkasakit!
Kaya naman, mga beshy, bukod sa Executive Order No. 104 ni Pangulong Rodrigo Duterte na price cap sa 133 medicines, isinulong ng inyong lingkod na alisin na rin ang VAT sa mga prescriptive na mga gamot.
Ito ay para mas higit na maging affordable ang mga gamot at makatulong sa mga nagkakasakit lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.
Puna ko kasi noong naging epektibo ang VAT exemption sa mga gamot sa diabetes, high cholesterol at hypertension, eh, parang wala lang at para sa mahihirap ay hindi pa rin nila kayang bilhin ang mga gamot na ito.
Isa pa, kaya palang alisin ang VAT sa ilang medicines, eh, bakit hindi na lang kaya lahatin? ‘Ika nga, tutulong ka na rin lang, bakit hindi pa lubusin?
Hay naku, nakakaimbiyerna pa kasi naman ‘yung Universal Health Care Law na ipatutupad this year, hanggang ngayon ay walang malinaw na detalye si Health Secretary Francisco Duque III kung paano ang gagawin.
At hindi rin niya madetalye kung magkano ang iri-release na mga gamot kada taon. Kaya kung sa DOH tayo aasa sa mababang presyo ng medisina, huwag na lang at tiyak na mapapahiya ka dahil sa mataas nitong presyo.
Kung maibaba na natin ang presyo ng gamot dahil sa VAT exemption, agad-agad na tayong makakatulong sa mga may sakit, sey mo?
Kaya nga, panawagan natin, VAT exemption sa mga gamot, now na!





Comments