top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SPA na sex den, buking

  • Gina Pleñago
  • Feb 26, 2020
  • 1 min read

Isang spa na umano’y front ng prostitution den ang nabuking sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ni Makati City Police Chief P/Col.Rogelio Simon, sinalakay ng mga awtoridad ang SPA Osaka sa Bgy. Poblacion, alas-3:40 ng madaling-araw.

Isinagawa ang rescue operation sa pangunguna nina Police Maj. Gideon Inez at WCPD Chief Police Lt. Mylene Juan, matapos makatanggap ng impormasyon at makumpirma ang ilegal na aktibidad sa nasabing establisimyento, kung saan nasa 13 babae ang nasagip.

Isang asset ang nagpanggap na customer at nagbayad ng P3,000 para sa extra service. Nang pumasok na sila sa kuwarto, dito na nagbigay ng hudyat ang asset sa mga nakaantabay na mga awtoridad.

Nakuha sa lugar ang iba’t ibang sex paraphernalias.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng nasabing spa.

Ani P/Col. Simon, nasa pang-walong establisimyento na ang kanilang nasalakay na ginagawang prostitution den sa Lungsod ng Makati.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page